Maymay Entrata - Nasaan ang Hiling | KARAOKE
♫♫♫♫♫ Sa balon laging mag-isa Ang dilag na hindi iba Bakod na tila parang selda Kinulong sa naluma nang storya Ang buhay niya'y nasasayang lang Susunod at aayon lang Sa pangarap, tatakbo Umaasa nang tago Ang sabi ni Ama noon Bagyo at niyebe'y hinamon Ang batang 'yon, muli bang babalik? At nasaan ang hiling? Saksi ng puno't ulap Sa gubat nangangarap Bulong sa tubig ay iniwan Nasaan ang hiling? Balang-araw sana Hawak ang pag-asa Nang Ama ay matularan Sa panaginip lang Dilag na may tapang Magagawa kayang matagpuan Lumabas at magising O habang buhay mahimbing Nasaan ang hiling? May awa at kabutihan Pilit niyang pinararamdam Ngunit sa bayan, may kadiliman Parang tama'y kinalimutan Lalaban ba? Maduduwag? Susunod? O susundan? Matutupad ba'ng nais na maging? At nasaan na ang hiling? Saksi ng puno't ulap Sa gubat nangangarap Hadlang lahat, gustong takasan Nasaan ang hiling? Balang-araw sana Hawak ang pag-asa Milagro sa'kin ay gigising Sa panaginip lang Dila...