Gloc-9 feat. Shockra - Ambag | KARAOKE


Haaaaaaah
Haaaaaaah
(Hayaan niyong ibalik ko ng buo 
lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang 
sana ngayon, 
isali nyo ako)
1997
Nung lumapag ang lagapak ni Gloc
Di ako na makapaniwala
Laman ng mga song hits, 
ano yan, hiphop?
Rap-rapan, palawakan talamakan, 
salitang pinapaindak
Di naman puwedeng maging 
break dancer
Na rapper, mag alba't Tick Tock
Kasi di talaga kaya, 
madayang tadhana
Bintanang puro "sana" 
ang tanaw
Kaya pa kayang makilala, 
maalala, kahit ang salang 
ay hilaw?
Hanggang sa nadinig ko 
na may mga bata na sakin 
ay sumusubaybay
Lumulupaypay mg mga 
katagang nananalaytay
Nakita ko si Abaddon, 
don sa radyo pa non
On air lang ang siyang labanan, 
wala pa nga 'kong cellphone
Parang si 2Pac, si Tuglaks, 
siksikan halos matulak
Apir, tapos nag-usap, 
at nagka-himayan ng utak
Kahit walang gang gang, 
hindi sanay sa bang-bang
Bumilib sa 187 Mobstaz, 
galing din
Kasi 'di ito tsamba, 
parang Kobe na Mamba
Ipagkalat mo na nagsama 
si Gloc-9 at Shockra
Hayaan niyong ibalik ko 
ng buo lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana, 
ngayon isali niyo ako
Hayaan mong ibalik ko ng buo, 
patawarin niyo ako
Kung napaaga lang , 
at may nakakaalam 
Siyam tayo at 'di walo
Nagsimulang tumula no'ng 
mga panahong tinatawanan pa ang
Katulad ko kapag kami 
napapadaan na sa may kanto
Malalang tuksuhan, 
mistulang may putik ka 
sa mukha mo
'Di mo tuloy malaman 
kung sumpa ba 'to 
o 'sang regalo?
Minamaliit pa 
ang tugtugan namin
Sa'n daw nanggaling 
ang aming trip, 
ta's pormahang alanganin
Nababaduyan ang tropa, 
walang gustong sumuporta
Pero pinilit tahakin 
ang daang walang direksyon 
at maraming kontra
Buti na lang mayro'ng 
napakinggan na Aris
Tinuring pamantayan 
sa pag-gamit ng papel at lapis
Bumuo ng samahang sumunod 
sa mga bakas niya na naiwan
Sinigurado na 'di mapapahiya 
kapag kaniyang napakinggan
Sulit ang matagal niyang 
pag-asam at pag-abang
Tadhana na ang gumalaw 
ng sakalam na pag-hakbang
Alam kong pinangarap 
mo din 'to na maganap
Nawala man ang ika-walo, 
pero dumating ang ika-siyam
Labing anim ako nung nadinig, 
isang makata na 
walang kasing tulin 
ang bibig
Dun ako napabilib, 
habang kinikilig, 
iniisip ko ako si Gloc-9 
sa aking silid
Play, pause, rewind, 
habang sinusulat 
ang mga kanta mo 
kahit na mapuyat
Ay kinakabisado ko 
ang bawat bitaw 
sa Walkman kong malapit 
nang ma-lowbat
Hanggang sa nakagawa 
na din ng tula, 
mga salita na magkakatugma
Ni-rap ko ng mabilis 
sa boses na manipis, 
halata 'to kay Aris 'to 
nakahulma
At naging Crazymix 
na ang dating Mico, 
salamat Sisa, Crispin, Bassilyo
Nakasama ko na din si Francis M, 
D-Coy at Aristotle Pollisco
At sa bilis ko may mga nagalak, 
mga natanggap na mga palakpak
Ang galing galing ko 
na nga daw mag-rap, 
gayang gaya ko na nga daw 
si Gloc
Hanggang sa naisip kong 
medyo mali to, 
na makisilong lang 
sa iyong anino
Okay lang na ikaw pa din 
ang idol ko pero binago ko 
boses ko't istilo
At nabuo ang banda, 
pangratratan ang genre
Walong sumpa na mga pang-gulat 
na tinawag na Shockra
Ambag mo'y apoy kung 
ba't nagagawa ko, 
sumunog ng mikropono 
sa entablado
Ikaw ang patunay na 
di malabo na maging makata 
ang simpleng tao
Dumating na ang oras 
na itinakda ng tadhana 
bago 'ko tumanda
Para 'pag natupad ito 
dapat handa ka palagi 
na malapag ang pinakamalakas 
mo na akda
Na tumatagos sa mga bunbunan
 ng mga kumpulan
Sa tambayan ng mga nakikinig, 
hanggang ngayon kinikilig, 
mga tao nabibilib dahil 
sa'king ability
Ang kanta ko binibili 
pati na CD, 
DVD na tumpukan
Handa ako lagi maki-bungguan 
hanggang sa dumating ako 
sa sukdulan
Ng nais ko na marating 
na tagumpay
Uulit-ulitin ko ulit 
nang walang humpay
Hanggang sa 'di malayo 
na mangyari na 
yung tagumpay nalang 
ang kusa na maumay (Ayy!)
Limit breaker, 
naka-focus ako lagi 
sa pagiging greater
Kayang-kaya kong rap-pan 
kahit na ano
Tongue twist? 
"Peter piper pickled pepper"
Ano nga ba ang pinakamahusay 
na kanta? 'Yan ang laging tanong 
ng napakarami
Bigyan mo kami ng Gloc-9 
sa tagiliran, tatapusin namin 
ang mga debate
Aming sasagarin ang mga piyesa, 
'di magpapadaig 'to mga repa
'Di patatagalin, 
mabilis kakanain, 
akin nang kakalampagin mga tenga
Lupaypay, gutay, 
ang sino mang humarang 
sa mga ambag ko, goodbye
'Di maumay abutin 
ang mga pangarap ko na 
talagang makulay
Gan'to nagsimula 
ang pangarap ng isang
Batang mahilig tumula, 
pinagtatawanan
Walang bumilib gustong makinig, 
kaya sa silid nag-ra-rap mag-isa
Ang 'di niya lang alam 
ay pinapakinggan siya na 
palihim ng kanyang ina
"Anak, may dala ako 
na cassette tape
Nabili ko sa Odyssey: 
Kings Of Da Underground 
ng Death Threat"
Sinalpak agad, unang bungad 
ay agad na bumaliktad
Napa "Oh my God", 
volume ay sinagad nang marinig 
kong mag-rap si Gloc-9
"G" to the "L" to the "O" 
to the "C" dash 9
Nabaliw ako sa flow ni Gloc-9
A to the K to the 47, 
24/7 ako nagsanay
Hanggang sa silid 
lumabas na yung mga hindi bilib, 
napahanga
Tuglaks na ngayon ang bata noon,
tumpak ako yun
Malabon Thugs 187 Shockra, 
'di tumigil, nainip, nagtiyaga
At pinangako kay Inozent One 
na gagalingan 
hanggang sa makasama
Namin sa isang kanta, 
alam ko si Ino ngayon masaya
Kasi natupad na ngayon 
ang collab ng walong sumpa 
at ika-siyam na si Masta
Biglang naggunita, 
bumalik sa kapanapanabik 
makumbida
Pakiramdam na palaging umpisa
Pero pag gumana kala mo walang 
muli pa huli na
Kung sumagad ay di na maaninag 
yung makatang tahimik kanina
Na para bang sinapian 
ng kasalungat ng aliping mahina
Pero pirming nagpapakumbaba 
habang ang pangarap itinataas
Husay ang s'yang nagdadala, 
katibayang sa gawa nilalabas
Katuwang ng mga nauna, 
'yung pambihira manglapas
Tangan sa beat, 
kabit-kabit na tugma 
ang 'di kumakalas
Kahulugan ay lihim, 
kailangang sisirin
Bago ka liparin 
ng matatalinghagang 
may sining na dapat 
naisin Mo na isipin, 
anumang sabihin, 'di mabibitin
Mala Gloc na 'pag ratrat, 
A K to the 4 to the 7, 
iyong sasapitin
Panahon na mismo 
ang naging saksi
'Pag nag Shockra matik 
Beast Mode, 
ta's may katabi
Na Aristotle Pollisco, 
masdan ang anino
Kung sa'n may Hidden Info, 
'bout to kill your ego
Kung meron man akong kinabaliwan, 
yo'n ay musika mong kinaadikan
Kong pinapatugtog, binabalikan, 
kulang na lang, mga CD halikan
Kaya nangarap din ako 
na maging rapper, 
damit ko noon sa laki 
para bang daster
'Di man nakalapit habang hawak 
ang marker, 
sa malayo ay naka-saludo ako,
master
Mula pa dalawang libo ikaapat, 
hanggang dalawampu't apat
Naka-sunod parin sa yapak 
ng nagiisang Gloc
Dahilan kung bakit may 
mga matuling dila
Mga awitin mo na parang 
hindi ka humihinga
Bakit mayro'ng Walong Sumpa 
na ngayon dinadakila?
Dahil sayo'ng mga lagapakan 
na aming nakita
Heto lang, basta walang Masta 
Gloc-9, walang fast rap, 
walang Walong Sumpa, 
shock'n rap game, ayeah! (uhuh)
Hindi sa bilis nasusukat, 
kundi sa bigat ng yung sulat
'Turing mong kidlat pag-nanggulat
Salamat sa pagpasa mo 
ng yo'ng liwanag
Malubak man, musika mo
 ang siyang pumatag
Alam kong ni sa panaginip 
ay hindi niyo inasahang
Mag sama-sama sa awitin 
ang mga pinag-aralang 
minsan niyo ng tinawag 
na idolo, salamat
Mula "Kings Of Underground", 
"Domination" hanggang sa 
"Ako si" nagiisa
Tunay na lodi petmalu 
sa pangkaraniwang rap ay naiiba
Hindi nya inakalang pag nasa 
entablado't mic kada bibira
Ay may batang Smugg na 
galing pa sa Mob, 
pakwala ni Gab na na-inspira
Teka, sino to? Isang tunay na 
may titulong iniidolo
Humanda ka na par, 
kapag nagpaandar 
sya'y rumaragasang behikulo
Simbulo, katotohanan 
na ako'y disipulo
Ng mga salin na aral 
sa mga sinulat mo na bersikulo
Magmula pa noon hanggang 
sa hanggang ngayon, 
pakiramdam ko ako'y sinasaniban
Tulad mo na simpleng taong 
nagiging halimaw lapis 
at papel taglay na kapangyarihan
'Di pangkaraniwan ang nasa kamay 
na pag-asa
Dahil sa'yo ay tumapang mangarap 
na matupad ang mga "sana"
Sana balang araw ikaw ay makasama
Hanggang sa dumating, 
daig pa ang bumahing ng dilat 
lumitaw na sa mapa
Walang kapantay dala kong galak 
sa paghihintay kay idol na Gloc
Nagbunga na mga binhi mong tanim, 
at ngayon ay pasasalamat naman 
ang namulaklak
Hayaan niyong ibalik ko ng buo 
lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana, 
ngayon isali niyo ako
Hayaan mong ibalik ko ng buo, 
patawarin niyo ako
Kung napaaga lang, 
at may nakakaalam 
Siyam tayo at 'di walo
Hayaan niyong ibalik ko ng buo 
lahat ng ambag niyo
Kung mamarapatin lang sana, 
ngayon isali niyo ako
Hayaan mong ibalik ko ng buo, 
patawarin niyo ako
Kung napaaga lang, 
at may nakakaalam 
Siyam tayo at 'di walo
Ah, siyempre, unang-una 
nagpapasalamat kami sa Panginoon
Gusto lang naming malaman niyo
Na yung journey namin 
hindi rin ganun kadali
Maniwala lang kayo palagi, 
may mangyayari
Ipagpatuloy niyo lang

Comments

Popular posts from this blog

ITZY - GOLD | KARAOKE Version

Machine Gun Kelly - El Pistolero | LYRIC VISUALIZER Version

Bailey Zimmerman - Holding On | KARAOKE Version